Gumagana ang sistema ng hudikatura ng bansa — Sen. Go

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ni Senador Christopher “Bong” Go na gumagana ang independent judicial system sa bansa at hindi dapat na makialam ang mga dayuhang korte na makialam sa mga panloob na gawain ng bansa.

Ito ang sinabi ni Go kasunod ng awtorisasyon ng International Criminal Court na ipagpatuloy ang pagsisiyasat nito sa giyera kontra droga ng Pilipinas sa ilalim ng nakaraang administrasyong Duterte.

“Ako naman po ay naniniwala sa ating judicial system dito sa ating bansa at nabanggit na po ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kung sakali mang lilitisin siya ay dapat dito sa ating korte sa bansa,” sabi ni Go sa ambush interview matapos tumulong sa mga biktima ng sunog sa Quiapo, Manila.

“Ayaw natin na nanghihimasok ang ibang bansa sa ating judicial system. Meron naman tayong husgado dito, may judicial system tayo at malaki po ang tiwala natin dito,” dagdag pa nito.

Samantala, sinabi ni Go na iginagalang nito ang naunang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na nagsasaad na ang ICC ay walang awtoridad na tingnan ang panloob na kampanya laban sa ilegal na droga ng bansa.

“Ako po, nirerespeto ko po ang pahayag ni Secretary Enrile, ang ating Presidential Legal Counsel. Isa po siyang beterano, magaling na abogado,” sabi ni Go.

Sinabi ni Enrile sa media sa forum para sa Philippine Development Plan 2023-2028 sa Pasay City noong Lunes na hindi papayag ang gobyerno sa sinuman sa mga opisyal nito na isailalim sa imbestigasyon o paglilitis ng ICC.

“I’m telling you as lawyer of the President, I will not allow, as far as I’m concerned, I will not recognize the jurisdiction of the ICC. They have no sovereign power over us,” ani Enrile.

Idinagdag ni Enrile na ang mga imbestigador ng ICC ay dapat makakuha ng pahintulot bago pumasok sa bansa.

Giit pa ni Go, ang mga Pilipino ang dapat na maging hukom sa pagpapatupad at mga resulta ng Philippine Drug War at hindi isang dayuhang hukuman.

“Anyway, ang taumbayan na po ang humusga. Ginawa po ni dating Pangulong Duterte ang lahat ng kaniyang trabaho at para po ito sa kinabukasan ng ating mga anak. Ginawa niya po sa anim na taon, ginawa niya po na linisin ang bansa para ilayo po ang ating mga kababayan sa iligal an droga,” paliwanag ni Go.

“Abogado po ang ating mahal na dating Pangulo at ako po ay naniniwala na ginawa lang niya ang kaniyang trabaho,” dagdag nito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s