Japanese illegal recruiter arestado ng BI

Ni NERIO AGUAS

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese fugitive na wanted sa bansa nito dahil sa pagkakasangkot sa illegal recruitment at pamemeke ng mga opisyal na dokumento.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang nasabing dayuhan na si Amano Mototaka, 50-anyos, na nadakip noong nakalipas na araw ng Lunes sa kahabaan ng Arellano Ave., Sta. Ana, Manila ng mga operatiba ng BI’s fugitive search unit (FSU).

Ayon pa kay Tansingco si Amano ay mayroong arrest warrant na inilabas ng summary court sa Nagoya, Japan na may petsang Setyembre 30, 2022 kung saan nagawa nitong makatakas at nagtago sa Pilipinas.

“We issued a mission order for his arrest after we received information from Japanese authorities that he is a wanted criminal, set to stand trial in Japan for his alleged crimes,” sabi pa ng BI chief.

Ayon sa rekord na nakuha ng BI, si Amano ay inakusahan sa korte ng Nagoya ng pamemeke ng mga false entries sa original electromagnetic notarized deeds at nag-aalok para ibenta.

Ang nasabing pagkakasala ay lumabag sa kontrol ng Japan at pagpapabuti ng amusement business na maaaring parusahan sa ilalim ng penal code ng bansa.

Si Mototaka ay sumailalim sa imbestigasyon sa Japan sa pagkakasangkot sa pekeng kasal sa Filipino applicants upang makakuha ng long-term resident visas at sa huli ay magawang makapag-recruit para sa magtrabaho kanyang illegally-operated entertainment bar.

Kasalukuyang nakakulong sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang dayuhan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s