Modern contraceptives kailangan ng kabataan–Lagman

Ni NOEL ABUEL

Ipinahayag ni Albay Rep. Edcel C. Lagman na ang mga kabataang Pilipino ay malapit nang magkaroon ng access sa mga modernong contraceptive nang walang pahintulot ng magulang.

Ito ay matapos aprubahan ng House Committee on Youth and Sports Development ang kanyang House Bill No. 79 o ang “Adolescent Pregnancy Prevention Act” kasama ng anim na iba pang katulad na mga panukala.

Kasama sa mga may-akda ng panukala sina Rizal Reps Juan Fidel Felipe F. Nograles, Calamba City Rep. Charisse Anne C. Hernandez, Samar Rep. Stephen James Tan, Quezon City Rep. Patrick Michael D. Vargas, La Union Rep. Francisco Paolo Ortega, at Kabataan party list Rep. Raoul A. Manuel.

Nanindigan si Lagman na ang mga kabataan ay may karapatan na mamuhay ng malusog at mga paraan upang maprotektahan ang kanilang kalusugan at pangalagaan ang kanilang kinabukasan.

Kabilang dito ang pag-access sa impormasyon sa reproductive health information, services, at commodities.

Binigyang-diin din nito na ang pagbibigay ng access sa mga modernong contraceptive sa mga kabataan ay naaayong sa interes ng Estado dahil sa maagang pagbubuntis ng kabataan, partikular na mula sa edad na 10-14-anyos, na naging isang pambansang national social emergency;.

Gayundin ang maagang pagbubuntis at panganganak ay nakakapagtala ng pinakamataas na rate ng namamatay na ina kasama na rin na ang maagang panganganak ay nangungunang dahilan ng intergenerational na kahirapan; at ito ay isang haka-haka at maling paniwala na ang pag-access sa mga contraceptive ay hahantong sa pagbibinata ng kabataan.

Nabatid na noong Pebrero 2, 2023 nang aprubahan ng House Committee on Youth and Sports Development na pinamumunuan ni Isabela Rep. Faustino Michael Dy III at inihahanda na lamang ang iba pang panukalang batas para sa gagawing pag-amiyenda.

Ayon kay Lagman, ang pag-access sa mga contraceptive ng mga kabataan ay makatutulong sa mandatoryong reproductive health at sexuality education na nakasaad sa RA No. 10354 o ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Law na pinagtibay noong 2012.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s