6 na biktima ng crypto trafficking syndicate nasabat sa NAIA at Clark

Ni NERIO AGUAS

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang anim na indibiduwal na hinihinalang biktima ng crypto trafficking syndicate sa magkahiwalay na operasyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Clark International Airport (CIA).

Sa ulat na ipinadala ni Travel Control and Enforcement Unit Chief Ann Camille Mina kay BI Commissioner Norman Tansingco, unang nasagip ang tatlong biktima sa NAIA Terminal 3 noong nakalipas na Enero 20 bago pa makasakay sa Air Asia flight patungong Bangkok.

Iniulat ni Mina na ang tatlo ay nagsabing maglalakbay sa isang company group tour, at nagpakita ng ilang dokumento na nagpapatunay ng kanilang kaugnayan sa nasabing lokal na kumpanya.

Gayunpaman, sa pag-inspeksyon, nagbigay ang tatlo ng hindi magkatugmang pahayag, na nag-udyok sa opisyal na i-refer ang mga ito para sa pangalawang inspeksyon.

Sa inspeksyon, inamin ng mga biktima na patungo ang mga ito sa Laos, at inalok ng P40,000 para magtrabaho bilang customer service representative, sales representative, at cook sa isang investment company.

Inamin din ng mga ito na na-recruit sa pamamagitan ng isang ahente na nakilala ng mga ito sa social media.

Samantala, iniulat din ni Mina na noong Enero 31, naharang ng mga opisyal sa Clark International Airport ang tatlong lalaking biktima na nagtangkang lumipad patungong Thailand sa pamamagitan ng scoot airlines flight.

Sinabi ng mga ito na magtatrabaho sa isang lokal na kumpanya ng kargamento, at magkasamang maglalakbay sa isang group tour.

Gayunpaman, kalaunan ay inamin ng mga ito na na-recruit para magtrabaho bilang mga encoder at e-games staff at inalok ng suweldo na 1000 USD ng isang ahente na nakilala lang sa pamamagitan ng isang social messaging application.

Nagpahayag ng pagkabahala si Tansingco sa dumaraming bilang ng mga Pilipinong na-recruit ng mga sindikato ng trafficking para iligal na magtrabaho sa mga business process outsourcing companies sa ibang bansa.

“There are reports that many of our kababayan are offered work in BPOs, only to end up working for scamming companies abroad,” sabi ni Tansingco.

“We reiterate our warning not to entertain offers received on social media, and always coordinate with the Department of Migrant Workers when applying for legal work abroad,” dagdag pa nito.

Ang babala ay pagkatapos ng maraming ulat ng Pilipino ang na-recruit at na-traffic ng mga kumpanya ng cryptocurrency scam na pisikal na inaabuso ang kanilang mga biktima sa ibang bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s