2 dayuhan inaresto ng BI

NI NERIO AGUAS

Arestado ang dalawang dayuhan na kinabibilangan ng isang Chinese national at isang Indian national ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pekeng papeles.

Sa ulat na ipinadala ni BI Border Control Investigation Unit (BCIU) Chief Dennis Alcedo kay BI Commissioner Norman Tansingco, kinilala ang nadakip na Chinese national na si Zhang Yang, 30-anyos, na nagtangkang sumakay ng Philippine Airlines flight patungong Bagkok, Thailand sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Nabatid na nakumpiska sa nasabing dayuhan ang pekeng Philippine visa sa pasaporte nito kung saan nang isailalim sa imbestigasyon ay natuklasang kasama ang pangalan nito sa BI blacklist dahil sa pagiging overstaying nito.

Samantala, dinakip din ng BCIU ang isa pang dayuhan na si Malkeet Singh, 42-anyos, nang dumating ito sa NAIA Terminal 1 sakay ng Scoot Airline flight mula sa Singapore.

Ayon sa BI, napansin ang Philippine arrival stamp sa pasaporte ng dayuhan na kahina-hinala kung kaya’t isinailalim sa forensic laboratory kung saan nakumpirma na peke ang stamp.

Pinuri naman ni Tansingco ang mga BI agents na nakasabat sa dalawang dayuhan.

 “We commend our alert personnel who were able to foil their attempt.  We will ensure that upon deportation, they will not be able to return to the country,” aniya.

Kasalukuyang nakadetine sa BI facility sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig ang nasabing mga dayuhan habang inihahanda ang pagpapatapon sa mga ito pabalik ng kanilang bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s