Pag-amiyenda sa Centenarians Act iginiit ni Sen. Revilla

Ni NOEL ABUEL

Nagpahayag ng matinding suporta si Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa gitna ng pagdinig ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development na maipasa ang panukala na naglalayong amiyendahan ang ‘Centenarians Act of 2016’.

Si Revilla na siyang principal author ng naturang panukala ay nais na bigyan ng cash benefit para sa senior citizens na may edad 80 anyos at 90 -anyos na nagkakahalaga ng P10,000, bukod pa sa P100,000 na kanilang matatanggap sa edad na 100-taong gulang.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, tanging ang mga may edad na 100-anyos lamang ang nakikinabang sa benepisyo ng cash gift, ngunit maraming senior citizens ang hindi na inaabot ang naturang edad dahil maagang namayapa.

Sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority noong 2022, ang haba ng buhay ng lalaking Pinoy ay 67 taon lamang at 73 taon para sa babaing Pilipino at hindi kasama dito ang bilang ng mga nasawi sa kasagsagan ng pandemya.

“Napakaiksi lang ng buhay, ang tanging magagawa na lamang natin para sa mga nakatatanda sa atin ay maranasang mapakinabangan ang mga mga benepisyo at assistance mula sa Estado, Pagaanin natin ang yugtong ito ng kanilang buhay” saad ni Revilla.

Idinagdag pa nito ang pagbibigay ng cash gift sa mga senior citizen ay malaking tulong umano para sa kanilang mga gastusin lalo na sa pagbili ng gamot para sa kanilang maintenance kaya mahalagang maibigay ng mas maaga.

“Malapit sa puso ko ang mga nakakatandang myembro ng ating lipunan. I have a soft spot for our senior citizens in whose eyes we see stories etched in history, and whose lines across their foreheads teach us that in the twilight years of life, we carry not gold or silver but lessons that we pass along to the next generation,” paliwanag pa ni Revilla.

Ayon sa ulat ng Department of Social Welfare and Development, umabot sa kabuuang 8,568 centenarians ang nakinabang simula nang ipatupad ang naturang batas.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s