Dayuhang mamumuhunan prayoridad ng Kamara sa pag-aaral sa Konstitusyon

Si Speaker Martin Romualdez, pangulo ng Philippine Constitution Association (Philconsa), habang nagbibigay ng mensahe sa selebrasyon ng Constitution Day sa Malacañang kasama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. bilang guest of honor.

Ni NOEL ABUEL

Nagkasundo na ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagsusulong ng mga pag-amiyenda sa Konstitusyon na tanggalin na ang labis na proteksiyon nitong mga probisyon sa ekonomiya na naghihigpit sa pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunan.

Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang deliberasyon ng Kongreso sa iminungkahing mga pagbabago sa Konstitusyon ay mas nakatuon ngayon sa pangangailangang hikayatin ang mga mamumuhunan na higit na magpapasigla sa mga aktibidad sa ekonomiya, lumikha ng mga oportunidad sa trabaho, mabawasan ang kahirapan at magpababa ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Nagbigay si Romualdez ng indikasyon nitong Miyerkules ng umaga kasama ng kanyang mga kasamahan sa isang talumpati sa pagdiriwang ng Constitution Day sa Malacañang, kasama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. bilang panauhing pandangal.

Sinabi ni Speaker Romualdez, na presidente ng Philippine Constitution Association (Philconsa), na ang House Committee on Constitutional Amendments ay kasalukuyang nagsasagawa na ng mga pampublikong pagdinig at konsultasyon sa mga iminungkahing pagbabago sa 36 na taong gulang na Konstitusyon.

Aniya, bukod sa mga pagdinig sa Kamara sa Batasan complex sa Quezon City, ang komite na pinamumunuan ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ay nagtakda ng mga pampublikong talakayan at diyalogo sa iba pang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.

“The proponents of the lifting of the economic provisions in the Constitution agree on one thing, opening the economy wide for inflow of foreign capital is the key to address the aspirations and ideals of Filipinos in present times,” sabi pa ni Romualdez.

Aniya, ang pangarap ng bawat pamilyang Pilipino sa ngayon ay magkaroon ng isang mapayapang komunidad na may trabaho, mataas na sahod, murang bilihin, at pag-asang umunlad pa sa buhay.

“That is why, when the President in his travels as the number one salesman of the country, we are often asked that after you have made so much progress and gains in opening up the Philippine economy, the last missing piece of the puzzle remains, how about your restrictive Constitution? That is why we in Congress are facing up to this question and to this issue that burns to our minds today and may actually open up the aspirations of the Filipino people for tomorrow,” paliwanag pa nito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s