OFW Tulong at Serbisyo Center binuksan sa Ayala Malls Manila Bay

Ni NOEL ABUEL

Binuksan na sa isang malaking mall ang OFW Tulong at Serbisyo Center para mailapit sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nangangailangan ng tulong.

Pinangunahan ni OFW party list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang pagbubukas ng OFW Tulong at Serbisyo Center sa Ayala Malls Manila Bay sa Parañaque City.

Maliban sa OFW party list kabilang din na tumulong ang Buhay OFW Foundation, na pinamumunuan din ni Magsino, na nagbukas ng kauna-unahang privately-run community at service hub para sa mga OFWs at kanilang mga pamilya.

“The OFW Tulong at Serbisyo Center, in partnership with the Ayala Malls, aims to provide our OFWs with a quality, welcoming, and accessible place where they can avail the various programs and services of the OFW Party List, attend trainings and seminars by allied institutions, and congregate and align with their fellow OFWs,” paliwanag pa ni Magsino.

Dalawang repatriated OFWs na tinulungan ng OFW party list para ligtas na makabalik sa bansa ang sumama kay Magsino sa ribbon-cutting, simbolikong nagbibigay ng kanilang suporta sa community at service hub habang umaasa itong makapaglingkod sa mas maraming distressed OFW.

Nakiisa rin sa selebrasyon ang mga pinuno ng iba’t ibang organisasyon ng OFW at ang mga opisyal ng OFW party list.

Ang pagbubukas ng OFW Tulong at Serbisyo Center ay dinaluhan ng mga kilalang personalidad sa legislative at executive branch tulad nina Minority Leader Marcelino Libanan, at Secretary General Reginald Velasco.

Dumalo rin at nagbigay ng mensahe ng suporta si Mayor Eric Olivarez ng Parañaque City.

Buong puwersa rin ang mga katuwang na ahensya sa paghahatid ng mga serbisyo sa mga OFW sa pangunguna ni Chairman Junie Cua ng Philippine Charity Sweepstake Office, Usec. Hans Leo Cacdac at Usec. Bernard Olalia ng Department of Migrant Workers, Administrator Arnell Ignacio ng Overseas Workers Welfare Administration, Usec. Rowena Niña Taduran ng Department of Social Welfare and Development, Usec. Juan Victor Llamas ng Department of the Interior and Local Government, at Usec. Marlon Purificacion ng Presidential Communications Operation Office.

“We always say we hail our OFWs for their sacrifices, but we must match our pronouncements with actions. The OFW Party List, in cooperation with Buhay OFW Foundation, built our OFW Tulong at Serbisyo Center to let our OFWs truly feel our sincerity in valuing them, our seriousness in helping them, and eagerness in treating them as ‘mga bida ng ating bayan’,” pahayag pa ni Magsino.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s