
Ni NOEL ABUEL
Kumpiyansa si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang biyahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa Japan ay magdadala ng maraming mamumuhunan at mapapalakas pati na rin ang pangkalahatang kalakalan at pang-ekonomiyang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
“The President is really working hard to promote the Philippines to Japanese investors and businesses. And with the warm reception he is receiving, I am confident that he would achieve more significant gains in the few remaining days of his working visit to Japan,” sabi ni Romualdez.
Binanggit pa nito na sa ikalawang araw pa lamang ng paglalakbay ni Pangulong Marcos sa Japan, ang Chief Executive ay nakatanggap na ng investment pledges na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso sa isang round-table meeting Huwebes ng umaga kasama ang mga nangungunang executives ng Japan-based semiconductor, electronics, at wiring harness mga kumpanya.
Gayundin, sinabi ng lider ng Kamara na ang mga tourism stakeholder sa Japan ay nagpakita ng matinding interes sa pagtatanghal ng Pangulo sa isang hiwalay na pagpupulong upang balangkasin ang mga hakbangin ng gobyerno ng Pilipinas na naglalayong hikayatin ang mas maraming turistang Hapones na bumisita sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, ayon sa Department of Tourism (DOT) ang Japan ay nasa pang-anim sa pinakamaraming turista na bumisita sa bansa.
“These are encouraging development that would eventually redound to the benefit of tens of thousands of Filipinos, in terms of new jobs and business opportunities that would further drive our economic growth,” ayon pa kay Romualdez.
Kabilang si Romualdez sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na dumalo sa dalawang pagpupulong, gayundin sa hapunan noong Miyerkules ng gabi na pinangunahan ng delegasyon ng Pilipinas ng Mitsui & Co. at Metro Pacific Investments Corporation.
Dito ay sinasabing maraming Japanese businessmen at executive ang nag-usisa tungkol sa mga oportunidad sa negosyo at pamumuhunan sa Pilipinas at sa malakas na economic performance.