Ex-Maguindanao Gov. Sajid Ampatuan et al. kulong ng 800 taon

Ni KAREN SAN MIGUEL

Hinatulan ng Sandiganbayan ng 126 na counts na kasong falsification of public documents at apat na counts na graft at malversation of public funds ang dating gobernador ng Maguidanao kaugnay ng ghost procurement ng construction materials para sa public works projects noong 2009.

Sa inilabas na desisyon ng Sandiganbayan, pinatawan ng pagkakakulong ng anim na taon sa bawat kaso ng falsification of katumbas ng 756 taon laban kay dating Maguindanao Governor Datu Sajid Ampatuan.

Maliban sa 756 taong pagkakulong, pinatawan din ito ng anim na taong pagkakakulong sa bawat kaso ng graft o kabuuang 24 taon at karagdagang 68 taong pagkakakulong sa kasong malversation.

Sa kabuuan, pinatawan ng 848 pagkakakulong si Ampatuan.

Samantala, ang kapwa akusado nitong si dating provincial engineer Datu Ali Abpi ay napatunayan ding guilty sa 136 counts ng falsification, apat na counts ng graft at apat na counts ng malversation na may katapat na parusang pagkakakulong ng 908-taon.

Bukod sa pagkakakulong, pinagmumulta rin si Ampatuan ng P62 milyon na katumbas ng halagang tinangay nito at inutusang bayaran ang provincial government ng Maguindanao sa parehong halaga.

Habang si Abpi naman ay kailangang magbayad ng P70.05 milyon na multa at kaparehong halaga bilang indemnity sa lalawigan ng Maguindanao.

Kasama ring kinasuhan ng Office of the Ombudsman noong 2017 si provincial accountant John Dollosa Jr., provincial treasurer Osmeña Bandila, general services office chief at Bids and Awards Committee chairman Kasan Macapendeg, provincial administrator Norie Unas, at provincial engineer Landap Guinaid.

Habang sina Dollosa at Bandila ay nananatiling nagtatago, ang iba pang akusado ay binawian na ng buhay habang dinidinig ang kaso laban sa mga ito

Sa promulgation ngayong araw, nakatanggap ang Sandiganbayan ng abiso na si Abpi ay naiulat na pumanaw ngunit pinili ng korte na ituloy ang paghatol dahil sa abiso ay walang anumang indikasyon ng petsa at sanhi ng kamatayan nito at hindi binalik ang opisyal na kopya ng death certificate.

Si Ampatuan ay “no show” sa kanyang abogado na ipinaalam sa korte na ito ay dumaranas ng acute gastritis at iba pang kaugnay na karamdaman.

Gayunpaman, tinanggihan ng korte ang kanyang kahilingan para sa isang pagpapaliban o pag-reset ng promulgasyon na binanggit na ang doktor ay nagrekomenda lamang ng bed rest ngunit hindi ito pinagbawalan na maglakbay o humarap para sa pagdinig.

Ang kaso ay batay sa ulat ng audit report na ang pagbili ng pamahalaang panlalawigan ng P72.256 milyong halaga ng construction materials para sa gusali ng paaralan noong 2009 ay pawang peke.

Sinabi ng mga tagausig na wala sa apat na suppliers na pinangalanan ng pamahalaang panlalawigan ang totoo na naging dahilan upang maniwalang lahat ng mga transaksyon ay huwad.

Ang mga ito ay ang Usman Lumberyard and Construction Supply, Andong Lumberyard and Construction, Nasser Lumberyard and Construction Supply, at Ismael Lumberyard and Construction Supply.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s