
Ni NOEL ABUEL
Iginiit ni Senador Christopher “Bong” Go ang pangangailangan para sa gobyerno na paigtingin ang suporta na ibinibigay sa mga Filipino micro-entrepreneurs sa buong bansa.
Sa inihain nitong Senate Bill 1846, naglalayon nitong protektahan ang mga mamimili at mangangalakal na nakikibahagi sa e-commerce.
“The pandemic required us to explore new ways and more convenient options to do business. As we enter the new normal, it is undeniable that online transactions have been a necessity, if not the new norm for all of us,” sabi ni Go.
“Napakarami pong covered ng e-commerce: from our basic needs like food, drink, and clothing; our medical needs; and even our mobile devices can be availed online, talaga pong anything under the sun,” dagdag pa nito.
Ayon sa 2021 eConomy SEA Report ng Google at Temasek, ang internet economy ng bansa ay tumaas mula $9 bilyon sa Gross Merchandise Value (GMV) noong 2020 hanggang $17 bilyon sa GMV sa susunod na taon at inaasahang lalago sa $26 bilyon sa GMV sa 2025.
Sa panukala, isinasaad na ang Pilipinas ay may pinakamababang consumer penetration ng consumer sa rehiyon sa 68 porsiyento, mas mababa kaysa sa Singapore (97%), Thailand (90%), Malaysia (81%), Indonesia (80%) at Vietnam (71%).
Ito aniya ay sa kabilang banda, ay nagpapahiwatig ng malaking potensyal para sa paglago ng e-commerce transactions.
“Protektahan po natin ang ating mga maliliit na negosyo at ating mga online sellers na ang gusto lamang ay maghanapbuhay para sa kanilang mga pamilya, lalung-lalo na po ngayong panahong ito. This is very crucial to the recovery of our country,” paliwanag pa ni Go.
“Given the rising number of consumers opting to more convenient and safer ways of doing business, it is therefore incumbent to the State, to provide its constituents the protection it can give, to ensure that the rights and safety of both the customer and merchants are upheld in every transaction,” giit pa ng senador.
Ang ipinanukalang panukala ay naglalayong maglikha ng isang E-Commerce Bureau sa ilalim ng Department of Trade and Industry na dapat magkaroon ng awtoridad sa mga aktibidad na isinasagawa sa internet para sa mas mahusay na regulasyon.
Nagbibigay rin ito para sa regulatory jurisdiction ng DTI sa mga e-marketplaces, e-retailers, online merchants, at iba pang mga digital platforms na nagbebenta o nagpapahintulot sa pagbebenta o palitan ng mga produkto, serbisyo, o mga digital na produkto, at sadyang ginagamit ang merkado ng Pilipinas.