Japanese investors dadagsa sa Pilipinas

Full force: Si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Senate President Juan Miguel Zubiri, at dating Pangulo at ngayo’y Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo na dumalo sa Philippine Business Opportunities Forum sa Tokyo Palace Hotel sa Tokyo, Japan.

Ni NOEL ABUEL

Masayang ibinalita ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na dadagsain ang Pilipinas ng mga mamumuhunan mula sa Japan na nagpahayag ng interes na maglagak ng negosyo bunga ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos sa Tokyo.

Sa isang panayam sa mga miyembro ng Philippine media sa Hotel Okura sa Tokyo noong Biyernes ng gabi, sinabi ni Romualdez na positibo ang tugon mula sa gobyerno at mga negosyo ng Japan na lumampas sa inaasahan ni Pangulong Marcos sa resulta ng kanyang opisyal na pagbisita sa Japan.

“I think he’s thrilled. In fact I think he’s overwhelmed because there’s just this—I don’t know what’s the word—parang me tsunami ng interest; not just interest but commitments, not just from existing Japanese investors and businesses but even new ones,” Speaker ani Romualdez.

“So I don’t see why we won’t be getting a deluge—or kumbaga tsunami talaga—of investments and expansion of business opportunities,” dagdag pa nito.

Paliwanag pa ni Romualdez, maraming dayuhang direktang pamumuhunan sa bansa ay mangangahulugan ng pagbuhos ng bagong kapital, pagtatatag ng mga bagong negosyo, gayundin ng karagdagang trabaho at mga oportunidad sa negosyo para sa mga Pilipino.

Kasama ni Speaker Romualdez si Pangulong Marcos nang hilingin ng Punong Ehekutibo sa mga Japanese business leaders sa Philippine Business Opportunities Forum noong Biyernes na mamuhunan sa Pilipinas na may pangako ng isang malakas na macro-economy, liberal business policy, at malalaking agenda sa pagpapaunlad ng imprastraktura.

Sinabi pa ng lider ng Kamara na humigit-kumulang 35 investment agreements ang napagkasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Japan at iba’t ibang kumpanya, kung saan naging saksi si Pangulong Marcos sa paglagda ng Letters of intent (LOI).

Inihayag din ni Pangulong Marcos na ang business matching event na inihanda ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa 85 kumpanya ng Pilipinas ay nagbunga ng mahigit 255 pagpupulong sa kanilang mga Japanese counterparts.

Inihayag ni Romualdez na ayon sa ulat ng Department of Finance (DoF) at Department of Trade and Industry (DTI), maraming Japanese businessmen ang nagpahayag ng interes na makilahok sa mga aktibidad na nakahanay para sa pagbisita ng Pangulo ngunit hindi ma-accommodate dahil sa limitasyon ng kapasidad ng venue.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s