Full digitization ng LTO suportado ng kongresista

Rep. Bernadette Herrera

Ni NOEL ABUEL

Nagpahayag ng buong suporta si House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera sa pagsisikap ng Land Transportation Office (LTO) na ganap na i-digitize ang mga proseso at operasyon nito sa ikatlong bahagi ng 2023.

“The LTO can be assured of our full support in its push towards complete digitalization in a bid to streamline its operations and services for the benefit of the public,” ani Herrera.

“We are confident that with complete digitalization and paperless transactions, the LTO will be able to realize its goal of becoming a frontline agency showcasing fast and efficient public service for a progressive land transport sector,” dagdag pa nito.

Kasabay nito, pinasalamatan ni Herrera ang House Committee on Transportation, na pinamumunuan ni Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop, sa pagdinig sa kanyang kahilingan na hilingin sa Stradcom na i-turnover ang kanilang database sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

“Because of this, very soon, the government no longer needs to pay two IT providers,” ayon pa kay Herrera.

“Good news po ito sapagkat last year pa natin ipinaglalaban na gumawa ng paraan ang pamahalaan na makatipid at huwag nang magbayad ng bilyon-bilyong piso pa sa dalawang IT suppliers,” giit pa nito.

Taong 1998 nang atasan ng LTO ang Stradcom sa isang Build-Own-Operate (BOO) deal upang bumuo at magpatakbo ng IT system ng ahensya.

Base naging sa kasunduan, may eksklusibong karapatan ang Stradcom na magbigay ng mga serbisyong IT sa noon ay Department of Transportation and Communications na ngayon ay DOTr at LTO, at nagmamay-ari ng mga IT facility at lahat ng iba pang kagamitan, fixtures at fittings na ginagamit kaugnay ng mga naturang serbisyo.

Ang Stradcom ay may pananagutan at sinagot ang lahat ng mga gastos na natamo kaugnay ng pagganap sa mga obligasyon nito sa ilalim ng kasunduan.

At noong 2016 o pagkatapos ng 18 taon, ang DOTr at Stradcom ay pumasok sa isang phaseout deal na tapusin ang proyekto ng BOO sa procurement, award, disenyo, pagbuo, paglulunsad at pagkumpleto ng bagong LTMS.

Makalipas ang dalawang taon, iginawad ng LTO ang proyekto ng LTMS sa Dermalog sa halagang P3.2 bilyon.

Sa pagdinig ng Kamara, inatasan ng panel na pinamumunuan ng Acop ang Stradcom na ilipat ang lahat ng nauugnay na datos sa gobyerno sa pamamagitan ng DICT.

Sinabi ng Stradcom sa panel na kakailanganin ng 7 buwan upang makumpleto ang paglilipat ng database ngunit iginiit ng DICT na sapat na ang 60 araw.

Sa katatapos na deliberasyon ng House Committee on Transportation, nangako si LTO chief at Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Jayart Tugade na ipatutupad ang buong paggamit ng Land Transportation Management System (LTMS) sa o bago ang Agosto 30 ngayong taon.

Ikinatuwa ni Herrera ang pagtitiyak ni Tugade sa ganap na pagpapatupad ng LTMS, na itinuturing na pundasyon ng limang taong IT modernization program ng LTO upang gawing mas mahusay ang ahensya at mabigyan ang mga kliyente nito ng kaginhawahan ng online service.

“I’m glad that the issue between LTO and its service provider had already been resolved. This will surely ensure continuity in the implementation of the LTO’s IT modernization program, which was proven to have helped the agency become more efficient, competitive, productive and less prone to corruption,” sabi pa ni Herrera.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s