Pagkakaroon ng medical first responders ng BFP ipinasa ng Kamara

Ni NOEL ABUEL

Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nag-aatas sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na maging certified medical first responders at emergency medical technicians.

Sa botong 236, ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill No. 6512, sinabi ni Speaker na malaking tulong para makasagip ng buhay.

“In emergency situations like a fire, an earthquake or a road accident, BFP personnel are often, if not always, the first responders. They have to have adequate basic medical training to assist and save victims,” sabi ni Romualdez.

“This is the reason why fire departments in many countries, including our own BFP, are mandated to have emergency medical service (EMS) units,” dagdag pa nito.

Binanggit nito ang kamakailang kaso ng isang sikat na manlalaro ng football sa Amerika na bumagsak matapos makipaglaban sa isang kalaban sa isang laro sa telebisyon sa buong bansa.

Ang nasabing manlalaro ay inatake sa puso at ang mga unang tumugon ay nagbigay ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) sa loob ng 10 minuto bago ito dinala sa isang ospital.

Dahil sa CPR na ibinigay ay nagligtas sa buhay ng manlalaro kung saan sa kabila nito ay malapit na itong bumalik sa propesyonal na football.

“Ideally, that is the emergency response we want to achieve with the required certification and training for our BPF-EMS personnel under House Bill No. 6512,” ayon pa kay Romualdez.

Ang iminungkahing batas ay mag-aamiyenda sa Section 4 ng Republic Act (RA) No. 11589, na kilala bilang Bureau of Fire Protection (BFP) Modernization Act na iniakda ni Antipolo City Rep. Romeo Acop.

Kinakailangan ang BFP regional director na italaga sa bawat istasyon ng bumbero ng hindi bababa sa isang uniformed employee anuman ang ranggo, upang kumilos bilang isang emergency medical technician na mangasiwa sa mga opisyal ng sunog sa pagtugon sa mga medical emergencies.

Isinasaad ng panukala na sa pagtatalaga ng isang Fire Officer 1 ay dapat sumailalim at kumpletuhin ang Fire Basic Recruit Course (FBRC), na dapat magbigay ng pangunahing kaalaman at kasanayan na kinakailangan upang matugunan ang pinakamababang pamantayan ng kakayahan ng mga tauhan ng bumbero, kabilang ang advanced first aid at emergency first response.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s