
Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez (ikatlo sa kanan) na masusing nakikinig sa mga sugarcane farm workers mula Batangas na naapektuhan ng pagsasara ng Central Azucarera Don Pedro Inc. (CADPI).
Ni NOEL ABUEL
Tinitiyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na titingnan ang kalagayan ng mga manggagawa sa sakahan ng tubo mula sa Nasugbu, Batangas na apektado ng pagsasara ng Central Azucarera Don Pedro Inc. (CADPI).
Sa isang pulong sa Speaker’s Office, hinarap ni Romualdez at nakinig sa mga alalahanin ng mga manggagawa ng Sugar Folks Unity for Genuine Agricultural Reform sa pamumuno ni Christian Bearo, Pagkakaisa ng mga Manggagawang Bukid sa Tubuhan (Pamatu) Batangas First District president Nasiancino “Sonny” Roxas, at iba pa.
Kinikilala at ipinahayag ni Romualdez ang pagpapahalaga sa mahalagang papel na gingampanan ng mga magsasaka sa bansa, na binibigyang diin na ang kanilang kapakanan ay makatutulong na matiyak ang seguridad ng pagkain ng bansa.
“Kailangan nating mapabuti ang kalagayan ng ating mga magsasaka sa tubuhan at matiyak ang sapat na suplay ng asukal. I thank our farmersbfor working tirelessly for our nation,” ani Romualdez, nagsabi ring si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay nagtatrabaho nang husto upang umunlad ang agrikultura produksyon at naglalayong tiyakin ang seguridad ng pagkain sa bansa.
“Thank you (farmers) for your dedication in helping the government attain its plan for food security. We are inspired by your great
contribution,” sabi ni Romualdez.
Nakausap din ni Romualdez sina Batangas Gov. Hermilando Mandanas at Batangas Rep.
Eric Buhain upang talakayin ang posibleng solusyon ng mga magsasaka.
Kasama ring dumalo sa pagpupulong sina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan, Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, ACT Teachers party-list France L. Castro, at dating Kabataan party-list Rep. Sara Elago.