
Ni NOEL ABUEL
Nararapat na purihin si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa kanyang paninindigan laban sa pambu-bully ng China sa sariling bakuran ng bansa.
Ito ang sinabi ni House Deputy Speaker Ralph Recto kaugnay ng pagpapatawag sa Malacañang sa Chinese ambassador sa pinakahuling insidente ng pag-atake ng laser light sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PSG) ng China Coast Guard.
“Summoning the Chinese ambassador to Malacanang is a gutsy response to gunboat diplomacy,” sabi ni Recto.
Tinukoy ng kongresista ang hakbang ni Marcos na hingin ang presensya ng envoy ng Beiing para personal na maipahayag ang kanyang sama ng loob sa mga pinakabagong agresibong aksyon ng mga sasakyang pandagat ng China sa Ayungin Shoal.
“To the world, the President’s move shone a spotlight on the correctness of our position, more powerful than the laser show that the Chinese boats put up to manifest their baseless claim,” aniya pa.
“The fact that many countries followed suit in condemning China showed that the “President used a nonconfrontational tool that enlightens the civilized world better than lasers,” dagdag nito.
Idinagdag ni Recto na ang pagpapatawag ni Marcos sa embahador ng Tsina ay mas mahalaga kaysa sa dami ng mga diplomatikong protesta na regular na inihahain ng DFA laban sa China.
Noong nakaraang taon, aabot sa kabuuang 195 notes verbales ang inihain ng filed DFA sa Chinese embassy.
Nabatid na ang pinakahuling pangyayari ay mapanganib na nagmaniobra ang CCG sa Ayungin Shoal, ay ang ika-75 na “note verbale” laban sa China na inihain sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Naiinggit sa muling pagyakap ng gobyerno sa Amerika, sinabi ni Recto na dapat maghanda ang Pilipinas para sa isang “protracted war of nerves” sa China.
“They will be throwing tantrums, like a jilted lover who has lost face. They probably felt that they’ve lost a concubine,” sabi ni Recto.
“Marami pang harassment na darating. Dapat paghandaan ito,” giit nito.
“I put my faith in the President that he has more than enough in his toolkit to respond to Chinese aggression, without need to send an SOS to the Americans,” ayon pa sa mambabatas.