PWDs at solon parents binigyan ng libreng livelihood training ni Mayor Along Malapitan

Libreng livelihood training: Abala ang mga solon parents at People with Disability (PWDs) sa paggawa ng puto na bahagi ng pagsasanay na ibinigay ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City.

Ni JOY MADALEINE

Nagsagawa ng libreng livelihood training para sa mga persons with disability (PWDs) at kanilang mga pamilya gayundin para sa mga solo parents ang lokal na pamahalaan ng Caloocan City government upang makatulong sa pagbangon sa buhay.

Personal na pinasinayaan ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, ang pagbubukas ng libreng livelihood training sa mga PWDs at solon parents sa Barangay 73.

Sinabi ni Malapitan na ito ay naaayon sa kanyang bisyon na bigyan ang bawat mamamayan ng pantay na paraan upang maghanap-buhay at maabot ang mga pinakamahina na sektor ng lungsod.

“Ang pagsasagawa natin ng libreng training ay bahagi ng ating paglalayon na mabigyan ng pantay-pantay na oportunidad ang bawat Batang Kankaloo na kumita o magkaroon ng sariling pangkabuhayan,” ayon pa sa alkalde.

Sa pamamagitan ng koordinasyon ng Public Employment Service Office (PESO) sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO), may kabuuang 40 indibidwal ang tinuruan kung paano gumawa ng “puto,” isang local delicacy at dishwashing liquid.

Ayon kay PESO Officer-in-charge Violeta Gonzales, ang nasabing kabuhayan ay nangangailangan ng minimal na kasanayan at maliit na puhunan.

“Madali lang pong matutunan at maliit lang po ang puhunan na kailangan para makapag-simula ng negosyo ng pagtitinda ng puto o paggawa ng dishwashing liquid. Kasama sa ating tinuturo ang pagbu-budget at pagpre-presyo ng kanilang mga produkto,” sabi ni Gonzales.

Samantala, sinabi ni PDAO Action Officer Kim Daeam Sabay na patuloy na makikipag-ugnayan ang kanilang departamento sa iba’t ibang organisasyon upang makatulong sa pagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa mga PWDs, alinsunod sa direktiba ni Mayor Along.

“Kaugnay pa rin po ng ating pagkalinga sa ating mga kababayang may kapansanan at sa ilalim ng direktiba ni Mayor Along, patuloy pong makikipagtulungan ang PDAO upang mas marami pang PWD ang magkaroon ng oportunidad, pangkabuhayan at trabaho sa lungsod,” ayon pa kay Sabay.

Pinuri ng lokal na punong ehekutibo ang koordinasyon ng dalawang lokal na departamento sa pagtulong na matiyak na ang mga sektor ng benepisyaryo ay may access sa mga programa ng gobyerno.

“Kinikilala po natin ang ating mga tanggapan, ang PESO at PDAO, sa inyong pagtutulungan na mabigyan ng oportunidad ang ating mga kababayang higit na nangangailangan. Lalo na po ang personal niyong pagbaba sa komunidad upang mapagserbisyuhan sila,” pahayag pa nito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s