
Ni JV SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Zambales kagabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Nabatid na ganap na alas-6:33 ng gabi nang tumama ang magnitude 5 sa bayan ng San Felipe, Zambales.
Nakita ang sentro nito sa layong 032 km timog kanluran ng nasabing bayan at may lalim na 010 at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity III sa Masinloc, Zambales habang intensity II sa Cabangan, at Iba, Zambales samantalang Intensity I sa Botolan, at Castillejos, Zambales.
Samantala, muling nilindol ang lalawigan ng Masbate sa lakas na magnitude 4.6 dakong alas-5:38 ng madaling-araw sa bayan ng Bayan, Masbate
Naramdaman ang intensity V sa lungsod ng Masbate, Masbate at intensity I sa Irosin, Sorsogon.
Ayon sa Phivolcs, ang nasabing paglindol ay aftershocks ng magnitude 6 na tumama kahapon sa nasabing lalawigan.