Maraming overstaying aliens  gumagamit ng pekeng Philippine passports — BI

NI NERIO AGUAS

Nagpahayag ng pagkabahala ang Bureau of Immigration (BI) sa dumaraming bilang ng mga dayuhang gumagamit ng Philippine passport at iba pang dokumento para magkunwang mga Filipino.

“The rise in the use of fraudulently-acquired Philippine passports is alarming. These illegal aliens misrepresent themselves to be able to secure Philippine documents and evade immigration inspection,” ayon kay  BI Commissioner Norman Tansingco.

Magugunitang noong nakalipas na Enero 23, isang Chinese national ang naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) makaraang magpakita ng pekeng Philippine passport.

Kinilala ang Chinese national na si Zhang Hailin, 36-anyos, na nagpakita ng Philippine passport sa pangalang Alex Garcia Tiu na naharang sa NAIA nang tangkaing lumabas ng bansa patungong Hanoi, Vietnam.

Maliban sa pekeng pasaporte nagpakita rin ang nasabing dayuhan ng genuine birth certificate kung saan nang sumailalim ito sa pagsisiyasat ay nakita ring peke ang immigration stamps at umamin ang tunay na pagkatao nito na taong 2020 pa illegal na nananatili sa bansa.

Sa kabilang banda, noong Pebrero 7 isang babaeng Vietnamese national na nakilalang si Huynh Thanh Tuyen, 24-anyos na nagpakita rin ng pekeng Philippine passport sa pangalang Maria Dantic Menor nang tangkain nitong bumiyahe sakay ng  Cebu Pacific flight patungong Saigon, Vietnam.

Sa isinagawang secondary inspection, inamim ng dayuhan na nakuha nito ang kanyang Philippine passport sa tulong ng isa pang Vietnamese national na kaibigan nito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s