
NI MJ SULLIVAN
Davao Occidental ng kambal na lindol
Niyanig ng kambal na paglindol ang lalawigan ng Davao Occidental ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-6:09 ngayong umaga nang unang maitala ang magnitude 4 sa isla ng Sarangani sa bayan ng Sarangani ng nasabing lalawigan.
Nakita ang sentro ng lindol sa layong 409 kms timog silangan ng nasabing lugar at may lalim na 193 kms at tectonic ang origin.
Ganap namang alas-7:12 nang maitala ang magnitude 5 sa layong 324 km timog silangan ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 184 kms at ang origin ay tectonic.
Patuloy na inaalam kung may nasirang mga infrastructures at bahay sa nasabing lindol.
Sinabi pa ng Phivolcs na ang nasabing lindol ay isang aftershocks ng naitalang magnitude 7 noong Enero 18, 2023 sa dalampasigan ng Davao Occidental Earthquake event.
Samantala, Linggo ng alas-12:47 ng tanghali nang maitala ang magnitude 5 sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Nakita ang sentro nito sa layong 007 km timog kanluran ng lungsod ng Tandag, Surigao del Sur at may lalim na 042.
Naramdaman ang intensity III sa lungsod ng Tandag, Surigao del Sur; lungsod ng Butuan, Agusan del Sur; intensity II sa Cagwait, Surigao del Sur at intensity I sa lungsod ng Surigao, Surigao del Norte.