
BUONG pagmamalaki na ibinida ng Bureau of Customs (BOC) at ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang pagkakakumpiska sa 300 tonelada ng imported na bawang at sibuyas sa magkakahiwalay na raid na isinagawa sa Manila at Malabon City kamakailan.
Ayon sa report, aabot sa P135 milyong tonelada ng bawang at sibuyas ang nakumpiskma sa mga warehouses sa dalawang nasabing lungsod.
“The operation was carried out in response to numerous reports of illegal importation and hoarding of agri-products, particularly locally produced onions, and garlic,” ani PNP-CIDG director Brig. Gen. Romeo Caramat, Jr.
“The confiscated goods have been sealed and padlocked, while investigations are ongoing to determine the individuals involved in the alleged illegal activities and file appropriate criminal charges,” sabi pa niya.
Para kay PNP chief Rodolfo Azurin Jr. ang naturang operasyon ay “major breakthrough” in the government’s fight against smuggling and illegal activities in the agricultural sector.”
“The rampant illegal importation and hoarding of agri-products, particularly onions and garlics, is a serious concern that affects not only the livelihood of our farmers but also the food security of our country,” wika pa ni Azurin.
Wala tayong kuwestiyon sa operasyong ito ng PNP at ng BOC.
Kaya lang, bakit yata mga produktong nakalusot sa BOC ang kanilang pinagdiskitahan?
Hindi naman mailalagay sa bodega ang mga ito kung hindi pinahintulutan ng BOC mismo?
Hindi ba ang dapat unahing hulihin ay ang talamak na smuggling sa ating mga pantalan?
Bakit ang mga produktong nakalabas na sa pantalan ang pinanggigilan ng ating mga awtoridad at bakit hindi nila hulihin ang mga pangalang binanggit ni Cong. Horacio Suansing Jr., (Sultan Kudarat, 2nd District) na sina Michael Ma, Lujene Ang, Andrew Chang, Beverly Peres, isang nagngangalang “Aaron,” Manuel Tan, Leah Cruz, Jun Diamante, Lucio Lim at Gerry Teves.
Hindi ito ‘major breaktrough’ dahil ang tunay na ‘major breakthrough’ ay ang pag-aresto sa mga suspected agri-smugglers mismo.
Isa pa, maraming importers ang nag-iiyakan dahil karamihan daw sa mga na-padlock na bodega ay may mga dokumento at import permit.
Hindi lamang bawang at sibuyas ang ipinasara ng mga ito kundi may mga paninda rin na sotanghon, mani, soya, tokwa at kahit na monggo.
Ilang araw na silang ipinasara at ilang araw na ring abala ito sa kanilang mga negosyo.
Paano kung mapatunayang may mga dokumentong hawak ang mga negosyanteng ito? Maibabalik ba nila ang mga nalugi nilang kita kada araw?
Ang daang empleyado rito na hindi na nakapapasok araw-araw, ibibigay ba nila ang mga ‘minimum wage’ kada araw na kinikita nila?
Bago sana magyabang ang ating mga awtoridad, siguraduhin muna nilang kung nasa tama at nasa ayos ba ang kanilang operasyon.
At muli, lilinawin ko, ang tunay na problema ay ang talamak na smuggling mismo sa Customs kasi kung may mga smuggled items man na nakalabas ng pantalan, siguradong may mga tao sa BOC ang nakinabang!
Bukod pa riyan, huwag ang mga negosyanteng naghahanapbuhay ang kanilang pag-initan kundi unahin nilang hulihin ang mga smugglers na binanggit ni Cong. Suansing!
Nahahalata kasing iba ang inyong tinitingnan sa tinitigan.
***
Para po sa inyong komento at reaksyon, tumawag o mag-text sa 09157412674
