Imbentaryo sa nakumpiskang illegal na droga iginiit ng kongresista sa PDEA, PNP, at NBI

Rep. Robert Barbers

Ni NOEL ABUEL

Hiniling ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa lahat ng anti-drug law enforcement agencies na i-account at isumite sa House Committee on Dangerous Drugs ang kumpletong listahan ng imbentaryo ng lahat ng nasabat na ilegal na droga na nananatili sa kanilang kustodiya habang nakabinbin ang resolusyon ng korte sa kanilang mga kaso.

Ginawa ng kongresista ang pahayag bunsod ng pagbubunyag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Virgilio Moro Lazo hinggil sa dating patakaran ng umano’y ahensya na magbayad ng 30 porsiyento ng mga nakumpiskang droga sa mga asset o impormante bilang pabuya para sa matagumpay na pagkumpiska sa illegal na droga.

“As of now, we have no clear knowledge or understanding on the disposition of previously seized drugs that are still under the custody of law enforcement agencies such as the PDEA, the Philippine National Police and the National Bureau of Investigation,” ani Barbers.

“We know that pending destruction of those enormous amounts of seized drugs like shabu which are still in custody of these agencies, there are huge temptations that their custodians could be bribed for large amounts of money, to pilfer or let go these illegal drugs for recycling,” dagdag nito.

Sinabi ni Barbers na nais nitong malaman at ng kanyang mga kasamahan ang kinaroroonan, ang disposisyon ng kaso ng 990 kilo na nagkakahalaga ng P6.7 bilyong nasabat ng mga ahente ng anti-drugs ng PNP sa Maynila noong Oktubre ng nakaraang taon; ang 1,855 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P11 bilyong nasamsam noong Marso 15, 2022 sa Infanta, Quezon; ang P11.953 bilyong halaga ng iligal na droga na iniulat na nasamsam ng Bureau of Customs sa iba’t ibang drug bust operation noong 2022 at itinurn-over sa PDEA; ang 365 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P730 milyon noong Agosto 2000 mula sa anim na Chinese nationals sa Sariaya sa labas ng Tayabas Bay sa Quezon, at iba pa.

“Marami tayong nababasa at naririnig na balita na mga malalaking drug bust ng ating mga anti-drug agencies pero bihira, kung meron man, na may nababalitaan tayo na sinira or sinunog nila ang mga nahuling droga matapos ang kanilang operasyon,” sabi ni Barbers.

“Under the RA 9165 or the Dangerous Drugs Act of 2002, may specific period ang batas na sa loob lamang ng 24 or 36 hours, kailangan ma-destroy na ang mga seized drugs. Pero hindi ito nangyayari at maraming dahilan ang mga anti-drug agents to keep them under their custody. At kung nasa custody nila ang mga ito, malaki ang tendency na ma-pilfer, mawala at ma-recycle ang mga droga na ito,” paliwanag pa nito.

Noong Setyembre 2019, inamin ni dating PDEA chief Aaron Aquino sa pagdinig sa budget ng Senado na talamak pa rin ang pag-recycle ng droga dahil kapag nahuli ng mga operatiba ang droga, kalahati ay isusuko habang ang iba ay itatabi para sa mga operasyon sa hinaharap (posible para sa pagtatanim) o naibenta.

“Especially on operatives down there. And usually kasi, ang nagiging modus is that when they seize drugs, maybe half of that will be surrendered or ‘yun ang ipalalabas nila na ‘yun lang ang na-seize nila, while all the other ones are being kept either for future operations or the worse of it is they sell the drugs,” ayon kay Aquino.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s