Charter Change hindi pa napapanahon– solon

Rep. Gabriel Bordado Jr.

Ni NOEL ABUEL

Nagpahayag ng pangamba ang isang kongresista sa mga hakbang para itulak ang Charter Change na nagsasabing kahit si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay hindi ito nakikita bilang prayoridad ng administrasyon.

Sinabi ni Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr. sa isang manipestasyon sa sesyon ng plenaryo noong Miyerkules, dapat ubusin ng gobyerno ang lahat ng posibleng paraan upang mapabuti ang pagganap ng ekonomiya ng bansa sa halip na gumastos ng bilyun-bilyon sa pagbabago ng Konstitusyon.

Aniya, ayon mismo sa Pangulo, maaaring makaakit ng mas maraming dayuhang mamumuhunan nang hindi ginagalaw ang pag-amiyenda sa Konstitusyon

“According to National Economic and Development Authority, election in connection with the Constitutional Convention could cost the government as high as P28 billion – a cost that could be pulled down to P231 million if it would be conducted simultaneously with the Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Now Mr. Speaker, Mr. Sponsor., would the government have enough budget to hold such electoral exercises without sacrificing the priorities we should be focusing on?,” tanong pa ni Bordado.

Aniya, sa patuloy na pagtaas ng presyo ng iba’t ibang mga bilihin, ang all-time-high inflation, at ang matagal na epekto ng pandemya sa ating ekonomiya, ang isang Constitutional Convention ay tila hindi napapanahon dahil sa limitado at nauubos na ang resources ng bansa.

Nagrehistro ang bansa ng 14-year all-time high inflation rate na 8.1 porsiyento noong Enero at inaasahang mananatili sa antas sa unang quarter, ayon sa First Metro Investment Corp. (FMIC) at University of Asia and the Pacific (UA&P) Capital Markets Research.

Inaasahan din aniya ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mas mataas na inflation rate ngayong taon.

Sinabi ni BSP Deputy Governor Francisco G. Dakila, Jr. na mas mataas ang inflation noong Enero kaysa sa inaasahan ng Monetary Board.

Aniya, ang projection ng BSP para sa Enero ay hanggang 8.3% lamang, ngunit ang inflation ay tumaas sa 8.7%, mas mataas kaysa sa inaasahan.

Ang headline inflation ay bumilis sa 8.7% noong Enero mula sa 8.1% noong Disyembre, na minarkahan ang pinakamataas sa loob ng 14 na taon o mula noong 9.1% noong Nobyembre 2008.

Bukod dito, humingi si Bordado ng paglilinaw sa mga pananggalang na ilalagay upang protektahan ang mga karapatan at interes ng mga Pilipino sakaling matuloy ang Charter Change.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s