Pagbuwag sa party-list system suportado ni Sen. Padilla

Ni NOEL ABUEL

Suportado ni Senador Robinhood “Robin” C. Padilla ang pagbuwag ng party-list system kung darating ang panahon na amiyendahan na ang political provision ng Saligang Batas sa pamamagitan ng constitutional convention.

Sinabi ni Padilla, chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, nais din nitong palakasin ang party system para tigilan na ang kalakarang pagboto sa kandidatong “sikat” o mayaman.

“Kung mapupunta tayo sa Concon, ‘yan dapat una nating gibain. Dahil ang party list system ay, my goodness gracious, di ko na makita, mula magdesisyon ang ating Korte Suprema na payagan na pati mga mayayaman, nawala na po ang anghang at sustansya. E dapat po ‘yan e mga sektor na di naririnig. E ngayon ewan ko, sa totoo lang po,” aniya.

“Ang kinatawan sa sistemang ito naging katawa-tawa,” dagdag nito.

Iginiit din ni Padilla ang pagpapalakas ng party system para ang pagboto ng mga kandidato ay ibabase sa adbokasiya ng partido at hindi sa dahilan na sikat o mayaman ang isang kandidato.

“Sa totoo lang, kung gusto natin mabago talaga ang pulitika sa Pilipinas, palakasin natin ang party system. Tigilan na po natin ang kaboboto dahil sikat at dahil ito may pera. Alam n’yo kung nabago natin ang Constitution at mapalakas natin ang partido ang iboboto n’yo na po ang adhikain ng partido, di na ‘yung sikat,” iginiit pa nito.

Ayon kay Padilla, hindi ito kontra sa pag-amiyenda ng political provision ng Saligang Batas sa pamamagitan ng Constitutional Convention, bagama’t nanindigan ito na kailangang unahin ang pag-amiyenda ng economic provision sa pamamagitan ng Constituent Assembly.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s