
AT stake ngayon ang kredibilidad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa dalawang nagpapakilalang kolektor daw ng illegal gambling na sina Alias Tata Obet at Rico Hudas.
Ang siste, namamayagpag kasi sila pagdating sa pangongolekta ng lingguhang payola sa mga gambling operator sa R4-A na kinabibilangan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Take note, hindi basta-basta protection money ang kanilang koleksiyon kada buwan kundi milyong piso ang pinag-uusapan.
Sinabi ng ating impormante na umaabot umano sa P3.5M kada linggo ang koleksiyon ng nina Tata Obet at Rico Hudas na pinangangalandakang para raw sa CIDG R4-A.
Dapat gumawa ng aksiyon dito si CIDG Region 4-A Director na si P/Col. Marlon Santos dahil ayaw ni CIDG chief Gen. Romy Caramat ng ganitong uri ng sumbong.
Nais iparating ng ating impormante kay Col. Santos na gamit na gamit ang pangalan mo sir sa mga gambling operator na big-time tulad nina alias Josie na nagbibigay umano ng P250K, kay alias Tita ay P200K, Mayang P50K, at Ofel P25K na pawang sa bayan ng Calauan sa Laguna kina Tata Obet at Rico Hudas kada linggo kapalit ng hindi paghuli sa pasugal nilang Lotteng, Bookies at Sakla.
Pati pangalan ni CIDG R4-A action man P/Col. Santos ay ginagamit din nina Obet at Hudas sa pagkolekta ng P40K kay alias Sgt. Baretto ng Calamba at isang alkalde sa lalawigan din ng Laguna ang may parating na P70k kada linggo.
Sa lalawigan ng Batangas, mula sa siyudad ng Tanauan, isang alias Ocampo ang kinokolektahan linggu-lingo nina Tata Obet at Rico Hudas ng tumataginting na P300K, ang operator naman ng sakla at bookies na sina Nonie at Tisoy ay may good will ding P300K, tag P50K naman kada linggo sina Willy Bokbok at Baros.
Hindi rin papadaig ang lalawigan ng Cavite kung illegal gambling din ang pag-uusapan, nandiyan din si Erece ng bayan ng Magallanes, habang sina Erick at Tagoy ng Tanza ang siyang mga hari ng pa-sakla at bookies, pero sino kaya itong mayor sa Cavite ang may pa-good will money na P1.5M para sa kanyang illegal gambling activities super? Wow.
Gumawi naman sa sinasabing small time illegal gambling operator pero milyon din kung magkamal ng salapi sa mga mananaya, unahin natin ang tinaguriang tatlong Maria na sina, Ms. Bagsik, Annabelle at Lilian na may parating na tag-P10K.
Isama na rin natin ang mga perya na may sugalan sa bayan ng Victoria sa Brgy, San Benito na pag-aari ni Lolet, habang sa Brgy. Balibago Sta.bRosa ay isang nagngangalang Judith, Sta. Rosa Sports Complex kay Madam Baby Panganiban, meron din sa Brgy. Langkewa, habang sa Brgy. San Vicente, Biñan City ay hawak ng isang alias Tessie.
Sana naman Laguna PNP Provincial Director Col. Glen Silvio at Batangas PNP PD, Col. Chris Soliba kailangan po sigurong magpakitang gilas kayo sa inyong nasasakupan partikular sa usaping illegal gambling isama na rin natin si Rizal PNP PD Col. Alex Recinto para matulungan ang CIDG na malinis ang kanilang hanay dahil lang sa dalawang kolektor na kumag!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon at sumbong, tumawag o mag-text sa cell phone no. 0915-7412674.