38 empleyado ng Caloocan City ginawang regular employees

Ni JOY MADALEINE

“Sana All”.

Ito ang maaaring masabi ng mga empleyado ng national at lokal na pamahalaan sa buong bansa kaugnay ng ginawang desisyon ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan na i-promote at gawing regular employees ang 38 local government personnel ng lungsod.

Sa 38 local government personnel, kabilang sa mga ginawang regular employees ay mga honor graduates, board and civil service passers, at outstanding employees.

Binati ni Malapitan ang 38 employado at pinuri ang dedikasyon at pagbuti sa kanilang sarili at ang kanilang kakayahan upang pagsilbihan ang mga mamamayan ng Caloocan sa abot ng kanilang makakaya.

“Binabati ko po ang bawat-isa sa inyo, sobra niyo po akong pinahanga sa inyong dedikasyon at pagpupursigi na paunlarin ang inyong mga sarili at inyong kakayahan upang buong husay na mapaglingkuran ang ating mga kababayan,” sabi nito.

“Ang inyong promosyon at pagiging regular na empleyado ng Pamahalaang Lungsod ang ating sukli sa inyong galing, sipag at tiyaga. Hiling ko’y magsilbi po kayong inspirasyon sa iba pa nating mga kapwa lingkod bayan,” dagdag pa ni Malapitan.

Samantala, sinabi ni Human Resource Management and Development Office (HRMDO) Officer-in-Charge, Ms. Lorilei Del Carmen na ang pagsusumikap at kahusayan ng mga nasabing empleyado ay patuloy na makikilala, at ang kanilang mga kakayahan ay mapapaunlad sa pamamagitan ng mga seminar, pagsasanay at workshop.

“Sisiguraduhin po natin na kikilalanin natin ang kasipagan at kahusahayan ng ating mga kawani, bukod dito patuloy din nating lilinangin ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng ating mga seminar, training at workshop,” sabi ni Del Carmen.

Ipinahayag ng alkalde ang kanyang pasasalamat sa HRMDO para sa patuloy na paggabay at pag-aalaga sa kanilang mga kapwa empleyado sa gobyerno ng lungsod, gayundin sa pagsuporta sa kanila sa kanilang personal at propesyonal na paglago.

“Maraming salamat po sa ating Human Resource Management and Development Office sa inyong patuloy na pangangalaga at paggabay sa ating mga kapwa-empleyado at katuwang sa pagseserbisyo sa mga Batang Kankaloo. Salamat din po sa inyong pagsuporta sa kanilang personal at propesyunal na kaunlaran,” sabi pa nito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s