Overstaying na Chinese national arestado sa pekeng Philippine passport

Ni NERIO AGUAS

Kalaboso ang isang Chinese national makaraang tangkaing lumabas ng bansa gamit ang pekeng Philippine passport at magpakita ng iba pang dokumento na pawang peke.

Kinilala ang nasabing dayuhan na si Zhou Jintao, 24- anyos, na naharang sa Caticlan International Airport dahil sa pekeng pasaporte kung saan nakalagay ang pangalang Jansen Tan.

Maliban sa pekeng pasaporte, nakuha rin sa pag-iingat nito ang Philippine PWD ID, postal card, Tax Identification Number ID, National Bureau of Investigation clearance, at birth certificate na nagpapakitang isinilang umano ito sa Sibulan, Santa Cruz, Davao Del Sur at Pinay ang ina nito at Chinese ang ama.

Subalit sa pagtatanong ng BI personnel, hindi marunong magsalita ng Tagalog o lokal na lengguwahe.

Sa pagsisiyasat, inamin ng dayuhan na Isa itong Chinese citizen kung saan nang tingnan ang travel record nito sa BI database, dumating ito sa bansa noong Hunyo 30, 2019.

Dahil dito, natuklasang overstaying na ang dayuhan kung kaya’t agad na inaresto at dinala sa BIbwarden facility sa Bicutan, Taguig habang inihahanda ang papeles para sa pagpapatapon dito at tuluyang ilagay sa blacklist order upang hindi na makabalik ito sa Pilipinas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s