
Ni NOEL ABUEL
Pinaiimbestigahan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Kongreso ang ulat na biglang pagkawala ng police security ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong naganap ang madugong krimen sa tahanan nito.
Sinabi ni Romualdez na base sa mga ulat, ang lima mula sa anim na escort ng pulisya ni Degamo ay hindi nagpakita para sa tungkulin ng mga ito noong Marso 4, 2023, nang umatake ang armadong kalalakihan sa bahay ng gobernador at pinatay kasama ang walong iba pang mga indibidwal, karamihan ay mga sibilyan.
“Gov. Degamo had earlier reported to the police about the threats to his life so it stands to reason that his security detail should have implemented stricter measures to ensure his safety. That’s why it’s highly suspicious why these police escorts were missing on the day he was killed,” sabi ni Romualdez kasabay ng panawagan sa House Committee on Public Order and Safety na pinamumunuan ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez na magsagawa ng imbestigasyon hinggil dito.
“It appears that the perpetrators were aware of the fact that Gov. Degamo has practically no protection so they could easily accomplish their mission to assassinate him,” aniya pa.
Ayon pa kay Romualdez, ang congressional inquiry ay hahanapin hindi lamang upang alamin ang dahilan para sa mga kaduda-dudang pagkilos ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa seguridad na itinalaga kay Gov. Degamo kundi upang matiyak na ang lahat ng mga opisyal ng pamahalaan na nasa panganib ay may sapat na proteksyon.
“We want to find out why most of Gov. Degamo’s PNP security details went missing on that fateful day. We don’t want to blindly accuse anyone but the circumstances apparently point to collusion between some members of the PNP and the perpetrators of this dastardly crime,” giit pa ni Speaker Romualdez.
Binanggit ni Romualdez ang mga kapansin-pansing pagkakatulad sa pagitan ng pagpatay kay Gov. Degamo at ng pagpaslang kay Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe noong 2019, na tumatakbo noon bilang alkalde ng Daraga, Albay.
Ayon sa mga ulat, sa kabila ng mga banta sa kanyang buhay, dalawa sa tatlong police escorts ni Batocabe ang tinanggal ilang araw bago ito binaril.
“If we find out in this congressional inquiry that some PNP personnel were in cahoots with the perpetrators to remove the security protection of Gov. Degamo, we will recommend the filing of appropriate criminal charges against everyone involved,” babala ni Romualdez.
Kinondena ni Romualdez ang pagpatay kay Degamo at hinimok ang pamunuan ng PNP na agad kumilos para dalhin ang mga salarin sa kamay ng hustisya at maibalik ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.