
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Batanes at Davao Occidental ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-5:53 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 4 na lindol na tumama sa Itbayat, Batanes.
May lalim itong 068 kms at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity II sa Itbayat, Batanes kung saan wala namang inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.
Wala ring naitalang naging epekto sa mga kalsada, gusali ang nasabing lindol.
Samantala, niyanig din ng magnitude 3.8 ang Davao Occidental kaninang umaga.
Sinabi ng Phivolcs na dakong alas-10:43 ng umaga nang maitala ang lindol sa layong 321 km silangan ng Balut Island, sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 106 kms at tectonic ang origin.
Wala namang ulat na may nasirang gusali sa nasabing paglindol.