4 Indians at 1 Taiwanese arestado ng BIsa Iloilo at Boracay

Ni NERIO AGUAS

Limang dayuhan ang magkakasunod na inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa magkahiwalay na operasyon sa Iloilo at Boracay.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco kabilang sa mga inaresto ay apat na Indians at isang Taiwanese ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU).

“These wanted foreigners will be expelled for being undesirable aliens and also for being undocumented as their passports were already cancelled by their respective governments. We will also place them in our blacklist to ban them from re-entering the country,” sabi ni Tansingco.

Nabatid na tatlo sa mga Indian nationals ay naaresto noong Marso 7 sa Iloilo City.

Nakilala ang mga ito na sina Manpreet Singh, 23-anyos; Amritpal Singh, 24-anyos at Arshdeep Singh, 26-anyos.

Sinabi ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy na ang nasabing mga dayuhan ay wanted sa bansa nito at may kinakaharap na warrants of arrest sa kasong murder, Violation of Explosive Substances Act 2001 at Unlawful Activities Prevention Act 1967 ng India.

Samantala, sa nasabing operasyon ay natiyempuhan naman ang isa pang Indian national na si Amrikh Singh, 33-anyos, na bigong magpakita ng travel document at pinaghinalaang illegal entrant.

Inihayag din ni Sy na ang mga Indians ay iniimbestigahan ng gobyerno sa New Delhi para sa kanilang umano’y kaugnayan sa isang extremist group na kilala bilang Khalistan Tiger Force.

March 7 rin nang madakip sa Boracay, Aklan ang Taiwanese na si Lee He Zhan, 26-anyos, na wanted sa bansa nito dahil sa pagkakaugnay sa illegal drugs trading.

May warrant of arrest din laban dito na inilabas ng district prosecutor’s office sa Diaotou, Taiwan kung saan kinasuhan ito ng paglabag sa narcotics hazard prevention act ng Taiwan.

Kasalukuyang nakakulong sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang nasabing mga dayuhan habang inihahanda ang resolusyon para sa pagpapatapon sa mga ito sa kanilang bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s