Zambales niyanig muli ng lindol

Ni MJ SULLIVAN

Nakaranas ng paglindol ang lalawigan ng Zambales kagabi kasunod ng naitalang magnitude 4.7 kahapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-9:56 ng gabi nang tumama ang magnitude 4.8 sa layong 056 km timog kanluran sa San Antonio, Zambales.

May lalim itong 023 km at tectonic ang origin.

Naitala ang intensity III sa Morong, Bataan; San Antonio at Subic, Zambales.

Intensity II sa lungsod ng Malabon, Mandaluyong, Manila, at Quezon City; Catillejos at San Felipe, Zambales.

Habang intensity I sa lungsod ng Pasig, Marilao at Pulilan, Bulacan.

Samantala, sa instrumental intensities ay naitala ang Intensity III sa Abucay, Bataan; San Antonio, Zambales; at sa lungsod ng Olongapo.

Intensity II naman sa Subic, Zambales at intensity I sa lungsod ng Marikina at Quezon City; Dinalupihan, at Orani, sa Bataan; Cabangan, Zambales; Magallanes, at syudad ng Tagaytay, sa Cavite.

Wala namang inaasahan ng pagkakaroon ng aftershocks sa mga susunod na araw at wala ring naiulat na epekto ng lindol sa nasabing mga lugar.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s