
Ni MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Ilocos Norte, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, ganap na alas-10:16 kagabi nang tumama ang magnitude 4.1 sa bayan ng Burgos, ng nasabing lalawigan.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 043 km ng timog kanluran ng Burgos, Ilocos Norte, na may lalim na 019 km at tectonic ang origin.
Wala namang iniulat na naging epekto ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.