Cayetano, nanawagan sa publiko na magnilay-nilay

Ni NOEL ABUEL

Umapela si Senador Alan Peter Cayetano sa publiko na magnilay-nilay ngayong panahon ng Semana Santa.

Sa kanyang maikling mensahe sa pagbubukas ng TLC park sa Lower Bicutan, ibinahagi ni Cayetano na magsisilbi ang lugar kung saan maaaring magnilay ang mga Taguigeño sa buhay, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesukristo, at sa pagsunod ng utos ng Diyos na ‘go and make disciples’.

“Whether you are not in the faith or of the faith, whether you believe in Jesus as the Savior or a prophet — itong park ay alay sa ating principles at sa utos ng Panginoon na ‘Go and make disciples of the nations,’” sabi ng senador.

Bilang vocal sa kanyang Kristiyanong pananampalataya, hinimok ni Cayetano ang mga pinuno ng siyudad at barangay na manguna sa sarili nilang pagmumuni-muni sa TLC park upang sumunod ang iba.

“Reflection is always helpful. We want people to enjoy the park, so we ourselves should enjoy the park — to retreat, to reflect on how to honor God, how to help in transformation. If we want to be the leader in Metro Manila as salt and light, then we have to lead,” sabi nito.

“Ang request ko lang po sa ating leaders, huwag lang ang pamilya ninyo ang dalhin ninyo sa park na ito. Dalhin n’yo rin po ang mga kapwa leaders ninyo para habang tinitignan ay pag usapan niyo rin – how can we do something like this sa ating barangay, anong kulang natin, anong hilig ng mga kabataan na hindi natin nabibigay?” dagdag pa nito.

Matatagpuan ang TLC park sa isang 6-hectare area sa TLC Village Lakeshore, Laguna Lake Highway na bukas sa publiko ngayong Mahal na Araw mula alas-7:00 ng umagabhanggang alas-9:00 ng gabi.

Ang matagumpay na paglulunsad ng pasyalan ay inilunsad sa pangunguna ni Mayor Lani Cayetano at suportado ng mga opisyal ng lungsod kasama sina City Vice Mayor Arvin Alit, at District 1 Councilors Jimmy Labampa, Raul Aquino, Carlito Ogalinola, Joy Panga-Cruz, Gigi Valenzuela De Mesa, Totong Mañosca, Tikboy Marcelino at Gamie San Pedro.

Kasama din nila sina City of Taguig District 2 Councilors Marisse Balina-Eron, Jomil Serna, Alex Penolio, Edgar Baptista, Nicky Supan, Ed Prado, Jaime Garcia, at Yasser Pangadaman, pati na sina Mr. Jake Belga mula sa Bahay Pag-Asa, at Father Roberto Carlo Okol.

Leave a comment