
Ni NOEL ABUEL
Nanawagan si Batangas Rep. Ralph Recto na dapat nang magsuot ng body camera ang mga pulis na nagsasagawa ng drug bust.
Ayon kay Deputy Speaker Recto, ang mga body camera ay isang video recording ng operasyon na makakatulong sa pag-uusig sa mga suspek, papurihan ang mga karapat-dapat na opisyal, at hadlangan ang mga nahuli, at ang kanilang mga coddler, mula sa panunuhol sa kanilang daan patungo sa kalayaan.
Paliwanag pa nito, malawak na magagamit at abot-kaya ang nasabing aparato na kung saan ang camera ay maaaring magamit sa pag-aresto sa mga sangkot sa illegal na droga.
“Whether the narcotics seized weigh one kilo or one ton, a video recording is the best receipt there is. Mainam kung may resibo na mahirap ipagkaila. ‘Ika nga, ‘may bodycam sa katawan at may dashcam sa sasakyan,’“ sabi pa ni Recto.
Idinagdag pa ng kongresista na hindi dapat na umasa ang mga pulis sa CCTV sa mga posted at iba pang bahay at sa halip ay kunin ang footage mula sa mga kagamitan na dala ng mga pulis bago, habang at pagkatapos ng operasyon.
“The presence of bodycams, he said, would serve as deterrent against any attempt by suspects and their backers to buy the freedom of the arrested,” sabi ni Recto.
Magsisilbi rin aniya ang body camera bilang “anti-arbor” device kung saan may mga pangyayari na inaarbor ang drug suspect ng ilang maimpluwensya.
“Dapat kasama ‘yan sa OOTD ng mga pulis na sasabak sa mga operasyon laban sa droga. Kung tree-planting at gift-giving ng mga presinto naka-Facebook Live, bakit ang paghuli ng mga salot sa lipunan parang walang ganu’ng coverage?” pag-uusisa pa ni Recto.