10K Ayuda Bill ipipilit ni Cayetano

Ni NOEL ABUEL

Nangako si Senador Alan Peter Cayetano na patuloy nitong isusulong sa Senado ang pagbibigay ng P10,000 ayuda para sa bawat pamilya, lalo pa’t alam aniyang may pondo ang gobyerno para dito.

“We will continue to push for it. May pera, pero hindi priority ng gobyerno to do it that way,” pahayag ni Cayetano.

Inihain ng independent senator ang panukalang Sampung Libong Pag-asa Act sa sa Senado noong Hulyo 2022, na ngayon ay naghihintay ng deliberasyon sa committee level.

Ayon kay Cayetano, mismong ang Department of Finance (DOF) ang nagsabing may P200 bilyon sa budget ang gobyerno na magagamit para ipatupad ang panukala.

Gayunpaman, aniya, mas gusto ng administrasyon na ikalat ang pondo sa iba’t ibang mga programa sa ilalim ng magkakaibang ahensya, na aniya ay hindi gaanong mahusay.

“Ang policy ng administrasyon is ilagay ‘yung iba sa PhilHealth, sa AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situations) sa DSWD, sa DOLE, sa DA, sa iba’t ibang program,” pahayag ni Cayetano.

“Ang mga negosyo nakabangon na, pero ang mga indibidwal hindi pa. So kung papipilahin mo pa sila sa DA, sa DSWD, et cetera, makakakuha naman pero hirap pa at hindi lahat,” dagdag nito.

Habang isinusulong ng senador ang pag-apruba ng 10K Ayuda Bill sa Senado, nangako rin si Cayetano na ipagpapatuloy nito ang kanyang Sampung Libong Pag-asa program kung saan namamahagi ito ng tig-P10,000 sa mga piling benepisyaryo mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kasama ang kanyang asawang si Taguig Mayor Lani Cayetano, ipinagdiwang ng senador ang ikalawang taon ng programa sa pamamagitan ng pamamahagi ng tig-P10,000 sa 60 bagong beneficiaries mula sa Muntinlupa, Marikina, Manila, Pasay, at Parañaque.

Hinikayat ni Cayetano ang mga beneficiaries na gamitin ang P10,000 upang maisakatuparan ang kanilang mga ideyang nais gawin at “vision” sa pagnenegosyo.

“’Yung kayamanan na dala ninyo paglabas ninyo dito ay hindi lang po ‘yung P10,000. Ang dala ninyo ay ‘yung idea ninyo kung paano palaguin ‘yun,” aniya.

Hinimok din niya ang mga beneficiaries na bumuo ng kani-kanilang mga grupo upang mas madaling maisagawa ang mga follow-through programs para mapalago ang kanilang mga micro business, tulad ng mga seminar at skills training.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s