2 Pinay nasagip sa human trafficking syndicate; Mag-asawang biktima rin ng trafficking nakabalik na sa bansa  

NI NERIO AGUAS

Dalawang Pinay ang nasagip mula sa kamay ng pinaniniwalaang miyembro ng human trafficking syndicates makaraang masabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kamakailan.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang mga biktima ay naharang bago pa makaalis ng bansa patungong United Arab Emirates (UAE).

Nabatid na noong Abril 28 at Abril 29 nang mangyari ang insidente sa NAIA Terminal 1 kung saan nang dumaan sa BI’s travel control and enforcement unit (TCEU) ang mga biktima ay nakita ang isinumiteng employment visa sa UAE ay pawang mga peke.

“These syndicates have no sympathy or concern at all for the well-being of their victims.  They prey on our poor countrymen who are lured to their evil ways because of their ardent desire to earn a living abroad in order to support their families here,” sabi ni Tansingco.

Sinasabing nang sumailalim sa secondary inspection ang mga biktima ay nakita ang overseas employment certificates (OECs) na ipinakita ng mga ito ay wala sa database ng Department of Migrant Workers (DMW) na patunay na ang UAE employment visas ng mga ito ay peke.

Sa imbestigasyon, inamin ng mga biktima na ang lahat ng dokumento na dala ng mga ito ay ibinigay ng kanilang recruiters kung saan ang bayad nito ay kukuhanin sa susuwelduhin ng dalawang Pinay sa trabaho sa UAE.

Agad na dinala ang mga biktima sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa kaukulang imbestigasyon at pagtulong sa pagsasampa ng kaso laban sa kanilang recruiters.

Samantala, nakabalik na rin sa bansa ang isang mag-asawa na biktima rin ng human trafficking makaraang masagip sa bansang Myanmar.

Sinabi ni Tansingco na ang mag-asawa ay nagtrabaho bilang love scammers sa nasabing bansa kung saan nakaranas ang mga ito ng physical abuse, pagbabanta, gutom dahil sa kabiguang maabot ang kanilang quota.

“According to the victims, they were treated like people in military training, even having them do physical workouts under the scorching sun. They also did not receive proper compensation from their employers,” sabi ni Tansingco.

Sa imbestigasyon, na-recruit ang mga biktima sa pamamagitan ng social media ng isang nagngangalang Maxesa kung saan umalis ang mga ito ng bansa noong Oktubre 2022 para magbakasyon sa Singapore. 

Lumabas din sa imbestigasyon na ang mga biktima ay tinulungan ng isang immigration officer na nagsaayos ng kanilang pag-alis ng bansa kasama ang isa pang biktima na nasabat naman sa secondary checks.

Sinabi ni Tansingco na ang nasabing BI personnel ay inalis na sa posisyon at inihahanda ang kasong administratibo laban dito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s