Pagbangon ng sektor ng edukasyon tutukan na – Gatchalian

Senador Win Gatchalian

NI NOEL ABUEL

Dapat na tutukan na ng pamahalaan ang pagbangon ng sektor ng edukasyon matapos ideklara ng World Health Organization (OFWs) ang pagwawakas ng COVID-19 bilang global health emergency.

Ito ang binigyan-diin ni Senador Win Gatchalian na nagsabing ang pangangailangan para sa ganap na pagpapatupad ng programa para sa learning recovery lalo na’t nagdulot ng learning loss ang kawalan ng face-to-face classes sa loob ng halos dalawang taon.

Aniya, upang maisakatuparan ito ay muli nitong isusulong ang ARAL Program Act o ang Senate Bill No. 1604 na inaprubahan sa huli at ikatlong pagbasa sa Senado noong nakaraang Marso.

Ayon sa UNESCO, ang Pilipinas ang may pinakamahabang pagsasara ng klase sa buong mundo mula noong nagsimula ang pandemya.

Layon ng Academic Recovery and Accessible Learning Program o ARAL Program na tulungan ang mga mag-aaral na makahabol sa kanilang mga aralin at matugunan ang learning loss at sa ilalim ng ARAL Program, magagabayan ang mga mag-aaral ng mga tutor sa ilalim ng mga well-designed intervention plans.

Tinataya ng World Bank na umabot na sa 90.9% ang learning poverty sa Pilipinas noong June 2022  kung saan nangangahulugan itong siyam sa 10 batang may edad na 10 ang hindi makabasa o makaunawa ng maikling kwento.

 “Bagama’t nalagpasan na natin ang pinakamalalang yugto ng pandemya ng COVID-19, patuloy nating dapat tugunan ang pinsalang dinulot nito, lalo na sa sektor ng edukasyon. Kailangan nating magpatupad ng mga programa para makahabol ang ating mga mag-aaral. Kailangan din nating tiyakin na magiging mas matatag ang sektor ng edukasyon sakaling humarap tayong muli sa malawakang krisis,” ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

Ito rin aniya ang layon ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) na nilikha sa bisa ng Republic Act No. 11899 at nitong nakaraang Enero, sinimulan na ng EDCOM II ang pagrepaso sa performance ng buong sektor ng edukasyon.

Mandato rin ng EDCOM II na magpanukala ng mga reporma upang gawing globally competitive ang mga Pilipino sa education at labor markets.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s