P1 milyong cash gift ibinigay ng Caloocan gov’t sa UCC bar passers

Si Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan habang binabati ang mga bagong bar passers mula sa University of Caloocan City.

Ni JOY MADELINE

Nagbigay ng kabuuang P1 milyong cash incentive si Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan para sa mga bagong bar passers mula sa University of Caloocan City (UCC) sa Testimonial Ceremony ng UCC-College of Law na ginanap sa Bulwagang Katipunan, Caloocan City Hall-South kamakailan.

Binati rin ng alkalde ang mga bagong abogado na sina Atty. Verona Baladad, Atty. Roland Gregory Dictado, Atty. Misha Ela Ferrer, Atty. Rodrigo Manluctao Jr., Atty. Morris James Masalihit, Atty. Rey Martin Palisoc
at si Atty. Maria Lyra Valdez, at ipinahayag na nilalayon ng pamahalaang lungsod na makipagtulungan sa mga ito para sa pagbuo ng isang mas mabuting lipunan.

“Congratulations po at sa bagong kabanata ng inyong buhay, hiling ko po na tulungan niyo sana kami sa pagpapaunlad sa ating lungsod,” sabi ni Malapitan.

“Magkaroon kayo ng malasakit sa inyong kapwa, at higit sa lahat, maglingkod kayo nang tapat at ng buong kahusayan sa bawat Pilipino,” dagdag pa nito.

Natuwa rin si Mayor Along na kinilala ang UCC bilang Top 3 Law School para sa mga nakakuha ng sampu o mas kaunti sa katatapos na bar examination.

Hinikayat din nito ang mga bagong abogado na maging mahusay nang may pagmamalaki bilang mga produkto ng sariling unibersidad ng lungsod.

“Patuloy niyong bigyan ng karangalan ang University of Caloocan City at ang Lungsod ng Caloocan, dahil ang tagumpay niyo ay tagumpay ng bawat Batang Kankaloo,” ayon pa sa alkalde.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s