Solon sa gobyerno: Maghanda sa El Niño

Rep. Camille Villar

Ni NOEL ABUEL

Dapat na paghandaan ng gobyerno ang paparating na El Niño at ang masamang epekto nito sa iba’t ibang sektor sa kabila ng deklarasyon ng state weather bureau ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.

Ito ang sinabi ni Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar kasabay ng inihain nitong House Resolution no. 1024 upang tingnan ang mga posibleng government intervention sa posibleng pagbabalik ng El Niño, na may 90% na posibilidad na magsimula ngayong taon, dahil sa severe weather conditions na maaaring makaapekto sa sektor ng agrikultura, essential at non-essential industries at stoke inflation.

“Apart from agriculture, water resources, power generation, health and sanitation and other sectors are likely to be impacted by El Nino, and concerned state agencies must prepare to mitigate the impacts of severe weather conditions,” sabi ni Villar.

Aniya, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na may mataas na posibilidad na maging El Niño sa mga susunod na buwan hanggang sa unang bahagi ng taong 2024.

Mayroon ding malaking posibilidad ng pag-init ng ibabaw ng karagatan sa huling bahagi ng taong ito.

Napansin ng mga eksperto na ang epekto ng El Niño ay karaniwang nagdudulot ng mainit at tuyong panahon at mas mababa sa normal na kondisyon ng pag-ulan, na maaaring magkaroon ng negatibong epekto tulad ng mga tagtuyot sa ilang lugar sa bansa.

Maaari rin aniya itong magdala ng mas malakas kaysa sa normal na kondisyon ng pag-ulan sa ibang mga lugar.

Sa nakaraang karanasan ng bansa mula sa El Niño phenomenon na nagresulta sa pagbaba ng agricultural output, sinabi ni Villar na ang mga subsector ng pagsasaka at pangingisda, gayundin ang kabuhayan ng mga manggagawa at seguridad sa pagkain, ay maaaring maapektuhan ng tuyong panahon.

“Also, the lingering effects of El Nino added to inflation woes and this time may drive up the already elevated cost of basic goods and services,” sabi pa ni Villar.

Leave a comment