
Ni NERIO AGUAS
Naharang ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang British national na kilalang sex offender sa bansa nito.
Nakilala ang nagsabing dayuhan na si William Hughes, 79-anyos, na nasabat ng mga tauhan mg immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nang tangkaing lumabas ng bansa patungo sa Doha, Qatar.
Ayon kay Border Control and Intelligence Unit (BCIU) head Dennis Alcedo si Hughes ay dumating sa bansa noong Mayo 16 bilang turista.
Kalaunan ay nakatanggap ang BI ng impormasyon mula sa United Kingdom National Crime Agency, na nagsabing si Hughes ay sangkot at nahatulan sa krimen ng prostitusyon na kinasasangkutan ng isang bata na 13-anyos hanggang 17-taon.
Nabatid din na si Hughes ay inilagay ng UK bilang ‘Sex Offenders’ register for life.
“Sex offenders who might prey on our children are not welcome in the Philippines. These illegal aliens do not deserve our country’s hospitality, and will be sent out and blacklisted,” sabi ng BI.
Kasalukuyang nakadetine sa BI jail facility sa Bicutan, Taguig ang dayuhan habang inihahanda ang resolusyon para sa pagpapatapon dito pabalik ng bansa nito.
