BI deputy commissioner sinopla ng BI chief

BI Commissioner Norman Tansingco

Ni NERIO AGUAS

Pinasinungalingan ng liderato ng Bureau of Immigration (BI) ang ulat na magpapatupad ng amnesty ang ahensya para sa mga illegal aliens sa buong bansa.

Giit ni BI Commissioner Norman Tansingco walang katotohanan ang pahayag ni BI Deputy Commissioner Daniel Laogan na plano ng ahensya na magpatupad ng amnestiya sa mga illegal aliens at may draft proposal nang naisumite sa Department of Justice (DOJ).

“No such proposal has been submitted by the BI. We are an implementing agency, and amnesty would require a new law passed by Congress,” pahayag ni Tansingco.

Sinasabing iniulat ni Laogan na may nakalatag nang amnesty na inaasahang makakakolekta ng P2 bilyon mula sa penalties at multa.

Sinasabing inihayag umano ni Laogan na sa kasalukuyan ay nasa 500,000 ang bilang ng mga illegal aliens sa bansa.

“Such statements are unauthorized and figures are baseless,” giit ni Tansingco.

Si Tansingco na kasalukuyang nasa Thailand bilang pinuno ng Philippine delegation sa ASEAN meeting ng mga immigration departments at heads ng consular affairs.

“His statements are careless and dangerous. In fact, we have received prior information that there are unscrupulous groups on social messaging apps already selling slots for this supposed amnesty, hence we reiterate that no such thing is on the table,” giit pa ni Tansingco.

Si Laogan ang huling deputy commissioner na na-appoint sa BI. Ito ay dating pangulo ng Chinese Filipino Business Club Inc. at senior adviser ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc.

Leave a comment