
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Davao Occidental at Catanduanes ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivocs).
Ayon sa Phivolcs, dakong ala-1:34 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 4.6 na lindol sa layong 319 km timog silangan ng Balut Island sa bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.
May lalim itong 001 km at tectonic ang origin.
Samantala, ganap namang alas-10:40 ng umaga nang tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa layong 100 km hilagang silangan ng Gigmoto, Catanduanes.
May lalim itong 061 km at tectonic ang origin.
Naitala sa instrumental intensities ang intensity I sa Virac at Panganiban, Catanduanes.
Wala namang iniulat na danyos sa nasabing dalawang lindol at wala ring inaasahang aftershocks sa susunod na mga araw.
