
Ni NOEL ABUEL
Nanawagan ang isang kongresista na repasuhin at pag-aralan ang mga bilateral labor agreements (BLAs) na pinasok ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa kung saan nagtatrabaho ang mga overseas Filipino workers (OFWs).
Sa House Resolution 743 na inihain ni OFW party list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino, sinabi nitong base sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay nasa 25 ang pinasok bilateral labor agreements ng Pilipinas.
Kabilang sa tinukoy ng mambabatas ang mga bansang Kuwait, Qatar, United Arab Emirates, at ang Italy.
Gayunpaman, lumilitaw rin na ang Pilipinas ay walang umiiral na BLAs at may iba pang mahahalaga at umuusbong na mga bansa ng pinupuntahan ng mga OFws tulad ng Singapore, Hong Kong, Malaysia, Brunei, at Oman.
Sinabi ng nag-iisang kinatawan ng sektor ng OFW na ang pagsusuri at pag-aaral ng mga BLA ay naglalayong tiyakin ang pangangalaga sa mga karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa partikular na sa mga kaso ng pang-aabuso, pagmamaltrato, at upang matiyak ang pagkakaroon ng mga legal remedies sa kanilang pabor upang matiyak ang hustisya.
“It is alarming that most of our BLAs are lacking explicit provisions relating to social security, equality of treatment, repatriation, and most importantly, on protocols governing the investigation and prosecution of criminal offenses committed against OFWs, and on legal remedies available to them and their families for redress of grievance and to secure justice. With the recent atrocities against our OFWs, it is high time for us to review and assess the substance and effectiveness of our BLAs,” paliwanag pa ni Magsino.
Sa Republic Act No. 10022, o ang ‘Migrant Workers and Overseas Filipinos Act’, ay binibigyan-diin din ang kahalagahan ng pagpasok ng bansa sa mga BLA, na nagtatakda na ang Estado ay papayagan lamang ang deployment ng mga OFWs sa mga bansa kung saan ang Pilipinas ay nagtapos ng isang bilateral agreement o pakikipag-ayos sa pamahalaan ng tumatanggap na bansa sa pangangalaga sa mga karapatan ng OFW.
“Our bilateral labor agreements envelop the policy support for our OFWs while they are abroad. It must have decisiveness and grit to make sure there is no space for abuses against our OFWs. If there are some abuses, the agreements should provide for serious consequences that would deter foreign employers from committing a similar transgression,” sabi pa ni Magsino.