German national na wanted sa pagpatay arestado ng BI

Ni NERIO AGUAS

Nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang German national na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Berlin dahil sa kasong pagpatay.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang 42-anyos na si Rilling Kenneth Napo ay naaresto noong Enero 31 sa kanyang tirahan sa Upper Poblacion, Tuba, Benguet ng mga operatiba mula sa fugitive search unit (FSU) ng BI sa pakikipag-ugnayan sa Naval Intelligence Security Group Northern Luzon at Tuba Municipal Police Station.

Sinabi ni Tansingco na armado ng warrant ang mga arresting agent na inilabas nito alinsunod sa deportation order na inilabas ng BI board of commissioners laban sa nasabing dayuhan.

“We will thus send him back to Berlin as soon as the bureau secures the required clearances for his deportation from the court and National Bureau of Investigation,” sabi ng BI chief.

Sinabi pa nito na pinagbawalan na si Napo na muling pumasok sa bansa dahil sa pagkakasama nito sa immigration blacklist bilang undesirable aliens.

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, si Napo ay may warrant of arrest ng Braunschweig county court sa Germany noong Hulyo 14, 2014.

Sa record, inakusahan ang dayuhan ng pagpatay sa kanyang pinsan sa pamamagitan ng pagputol sa katawan ng biktima gamit ang isang samurai sword bago ninakawan ang tahanan ng huli ng mga mahahalagang bagay at tumakas sa pinangyarihan.

“German authorities later learned that he had fled to the Philippines even before the warrant was issued as BI records show he last arrived in the country on July 12, 2014 and did not leave since then,” ayon kay Sy.

Kasalukuyang nakakulong sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City si Napo habang hinihintay ang deportasyon laban dito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s